R50B para sa Marawi, kukulangin

Balita - - Balita - Genalyn D. Kabiling

Kakailanganin ng gobyerno ang mahigit P50 bilyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City, kasabay ng pagpapasalamat sa P2.064 bilyon ayuda na natanggap mula sa ibang mga bansa.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa una ay tinaya niya sa P50 bilyon ang gagastusin sa rehabilitasyon ng Marawi, subalit posibleng kulang pa, aniya, ito dahil sa matinding pagkawasak sa siyudad.

Samantala, sinabi ni Lorenzana na ang pinakamalaking foreign assistance sa Marawi rehab ay nagmula sa Australia na nangakong magkakaloob ng P1 bilyon, P730 milyon ang mula sa Amerika, tigP100 milyon naman ang ibibigay ng Japan at Thailand, P85 milyon ang ipinangako ng China, at P49 milyon ang magmumula sa European Union.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.