Aljur, bitin ang guesting sa ‘Probinsyano’

Balita - - Pangunahing Pahina - —Jimi Escala

KAHIT isang buwan lang ang naging partisipasyon ni Aljur Abrenica sa FPJ’s Ang Probinsyano ay napakalakas ng impact ng guesting niya.

Last week ipinakitang nabaril na ni Cardo ( Coco Martin) si Miguel ( Aljur) pero base sa napanood namin, parang may pag- asa pang magtuluy- tuloy ang role niya. Gayunpaman, may post si Aljur sa Instagram na nagpapaalam na sa nangungunang television show.

“Salamat bro @mr.cocomartin, @dreamscapeph and Sir Deo @ montie08 for making me a part of your #FPJAP family. No matter how brief, it was an honor to be included in the # 1 primetime show. Thank you for giving me the best kapamilya welcome and introduction. Much love,” sabi ni Aljur sa post.

May karagdagang mensahe si Aljur kay Coco. Ang huling eksena raw nilang dalawa ang pinakamasakit na fight scene na nagawa niya.

Bumagay si Aljur sa mga eksenang kasama ang mga astig na sina Coco at Lito Lapid.

Nakakuwentuhan namin si Sunshine Cruz na regular viewer din ng Probinsiyano at ang wish niya ay ma-extend pa ang guesting ni Aljur. Puring-puri ng aktres ang performance ni Aljur sa naturang serye.

Marami rin daw sa mga kaibigan niya ang nabitin sa maikling guesting ni Aljur sa

FPJAP. Pero tiyak din namang may kasunod na agad na project si Aljur sa Dreamscape.

Aljur

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.