Aguirre handang tumestigo vs Sereno

Balita - - News - Beth Camia

Sakaling ipatawag ng korte, handa umano si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na tumestigo sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay lalo na aniya’t isa sa grounds ni Atty. Larry Gadon sa inihain nitong impeachment complaint laban kay Sereno ay ang sinasabing pagmanipula ng punong mahistrado at umano’y pag-antala sa kahilingan ni Aguirre na ilipat sa Maynila ang mga kaso ng Maute Group.

Tinukoy ni Gadon sa kanyang reklamo na bagamat naisama ang liham ni Aguirre sa agenda ng Supreme Court En Banc session noong Hunyo 6, 2017, hindi naman ito natalakay at hindi rin nairaffle sa Korte Suprema bagamat dumaan sa docket.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.