2 opisyal matitira sa Caloocan Police

Balita - - News - Bella Gamotea

Matapos sibakin ang lahat ng pulis dahil sa sunud-sunod na pagkakasangkot sa kontrobersiya ng Caloocan City Police, kinumpirma kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na dalawang opisyal lamang ang matitira sa pulisya ng lungsod.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, sina Senior Supt. Jemar Modequillo, bagong talagang hepe ng Caloocan City Police; at deputy nitong si Chief Insp. Ilustre Mendoza ang matitira sa headquarters ng nasabing pulisya.

Minabuti ni Albayalde na tanggalin sa puwesto ang lahat ng pulis sa Caloocan upang bigyang-daan ang malawakang imbestigasyon sa mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.