London bombing, kinondena ng ‘Pinas

Balita - - News - Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia

Kinondena ng Malacañang ang pambobomba malapit sa isang istasyon ng tren sa Southwest London na ikinasugat ng 29 katao nitong Biyernes.

Sa isang pahayag, kinondena ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang pag-atake at tiniyak na binabantayan ng Philippine Embassy sa London ang sitwasyon doon.

“We strongly condemn the latest terrorist attack near the Parsons Green station in Southwest London that left scores of people injured,” anang Abella. “Our thoughts and prayers are with the victims of the blast as we wish them a speedy recovery.”

Nagpaabot din ng pakikiisa sa British government si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at kinondena ang karahasan.

“We denounce this act of terror perpetrated against the British people,” pahayag ni Cayetano, mula sa New York kung saan siya dumadalo sa United Nations General Assembly.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.