Manhunt sa London bomber

Balita - - News -

LONDON (AFP) – Pinaghahanap ng British police ang suspek na nagtanim ng bomba sa isang London subway, kasabay ng pagtataas ng national threat level sa maximum, na nangangahulugan na napipinto ang isa na namang pag-atake.

Ang pagsabog nitong Biyernes ng umaga, na ikinasugat ng 29 katao, ang panglimang terror attack sa Britain sa loob ng anim na buwan at inako ng grupong Islamic State.

Inihayag ni Prime Minister Theresa May kinagabihan ng Biyernes na itinaas ang threat level sa ‘’critical’’, at mga sundalo na ang magbabantay sa mga pangunahing lugar upang makapagpatrulya ang mga pulis.

Ang pagsabog sa Parsons Green station sa timog–kanluran ng London ay nagbunsod ng sunog na ikinapaso ng ilang pasahero at nagdulot ng stampede ng mga natarantang tao.

‘’Somebody has planted this improvised explosive device on the Tube. We have to be open-minded at this stage about him and potential associates,’’ sinabi ni anti-terrorism police chief Mark Rowley.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.