Sexual abuse, wakasan –U.N.

Balita - - News -

UNITED NATIONS (AP) – Inimbitahan ni Secretary-General Antonio Guterres ang mga lider ng mundo sa isang espesyal na okasyon sa Lunes para supilin ang sexual exploitation at pang –aabuso – ang isyu na naging batik sa peacekeeping operations ng U.N. sa malalayong lugar at nagpapatuloy sa kabila ng mga pangako ng pandaigdigang samahan na lalabanan ang problema.

Sinabi ni Guterres sa mga mamamahayag nitong Linggo na nagbalangkas ang United Nations ng kasunduan na inaasahan niyang lalagdaan ng 193 kasaping estado ng organisasyon. Lilikha rin siya ng “Circle of Leadership” na binubuo ng mga pinuno ng estado at bansa na nangakong wawakasan ang kawalan ng pananagutan ng mga salarin at para palakasin ang mga hakbang upang mapigilan ang sexual exploitations at pangaabuso sa international deployments.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.