Spy camera sa opisina ng pangulo

Balita - - News -

QUITO (AP) – Galit na kinodena ng presidente ng Ecuador ang aniya’y pagkakadiskubre ng nakatagong video camera sa kanyang opisina na diumano’y namo-monitor sa cellphone ng kanyang sinundang pangulo.

Sinabi ni President Lenin Moreno sa telebisyon nitong Biyernes na aksidenteng nadiskubre ang camera nitong nakaraang araw nang mapansin ng mga staff na umiinit ang pader kung saan ito nakatago.

Ayon pa kay Moreno, ang camera ay mino-monitor mula sa malayo ni dating President Rafael Correa gamit ang cellphone nito. Hindi siya nagpaliwanag o nagbigay ng detalye para suportahan ang kanyang akusasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.