PAO: Si Remecio ang bangkay sa bakanteng lote

Balita - - News - Beth Camia

Nabawasan ang mga isipin ng ama ng 16- anyos na si Michael Angelo Remecio nang kumpirmahin ng Public Attorney’s Office (PAO) na bangkay nga nito ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Bulacan nitong Miyerkules.

Nakumpirma na bangkay ito ni Michael sa isinagawang forensic analysis nitong Biyernes ng gabi.

Tuluyan nang ibinurol ang bangkay ni Michael sa kanilang tahanan sa Bagong Silang, Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Ililibing si Michael sa Tala Cemetery Caloocan sa Linggo, sa ganap na 7:00 ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.