Sundalo kulong sa qualified theft

Balita - - News - Jun Fabon

Bumagsak na sa mga kamay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD)-District Special Operation Unit (DSOU) ang wanted na sundalo, na dating empleyado ng Quezon City Hall, na nahaharap sa kasong carnapping at qualified Theft.

Kinilala ni QCPD Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang suspek na si Raul Monsende Dunque, 66, ng 24th MRB Building Manggahan Street, Barangay Commonwealth ng nasabing lungsod.

Sa report ng DSOU, sinalakay ng mga operatiba, sa pamumuno ni Police Supt. Rogarth Campo, ang bahay ni Dunque, bandang 2:00 ng hapon kamakalawa.

Hindi na nakapalag ang suspek at mapayapang sumuko sa mga tauhan ng DSOU.

Ayon kay Anne Margaret Ennis, kapatid ni Michaela Lithgow na nagreklamo laban kay Dunque, ibinenta ng suspek ang mga ari-arian ng kanyang kapatid sa pamamagitan ng pekeng pirma.

Bukod dito, tinangay din umano ni Dunque ang dalawang luxury car ni Lithgow at inilipat sa pangalan nito.

Napag- alaman sa PNP na si Dunque ay miyembro ng sindikatong Budol-Budol at marami na siyang nabiktima nang magpanggap na milyonaryo.

Kasalukuyang nakakulong si Dunque sa Camp Caringal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.