Tatlo uling aberya sa MRT-3

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Wala na nga yatang araw na lilipas na hindi nagkakaroon ng problema ang mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nang muling makaranas ng tatlong technical glitch, nitong Sabado ng umaga.

Sa abiso ng MRT-3, kasisimula pa lamang ng araw ay dumanas na ng technical problem ang isa sa mga tren nito sa northbound lane ng Santolan Anapolis Station sa Pasig City, dakong 5:44 ng madaling araw.

Pagsapit ng 7:04 ng umaga, dahil pa rin sa problemang teknikal, ay muling nagpababa ng mga pasahero ang isa pa nitong tren sa northbound ng Shaw Boulevard Station sa Mandaluyong City.

Sa southbound ng Shaw Boulevard naman naganap ang ikatlong aberya at napilitang pababain sa tren ang mga pasahero sa pocket track, bandang 7:24 ng umaga.

Muling humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MRT- 3.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.