Dalawang kagawad binistay

Balita - - News - Jerry J. Alcayde

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Patay ang dalawang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang armado sa Barangay Benli sa liblib na lugar sa Bulalacao, Oriental Mindoro, Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Christopher C. Birung, director ng Oriental Mindoro Police Provincial Office (PPO), ang mga biktimang sina Erning Aykid at Aylan Lantoy, na kapwa bangkay na nang matagpuan sa Bgy. Benli bandang 11:30 umaga.

Ayon kay Senior Supt. Birung, base sa inisyal na imbestigasyon, bandang 12:20 ng umaga nang iulat ang pagkakatagpo sa dalawang bangkay na may mga tama ng bala.

Nakarekober ng pulisya mula sa crime scene ng apat na basyo ng bala ng .45 caliber pistol.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon para matukoy ang motibo sa krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.