Nakuryente na, nalunod pa

Balita - - News - Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija - Pinaniniwalaang nakuryente at nalunod ang isang 43-anyos na mangingisda sa loob mismo ng irrigation canal makaraang matagpuan ang bangkay nito sa Purok 2, Barangay La Torre, sa Gapan City, Nueva Ecija nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat ng Talavera Police, kinilala ang biktimang si Roman De Leon y Rebultan, residente ng Purok I, Bgy. La Torre.

Dakong 5:30 ng hapon nang iulat ng ilang opisyal ng barangay ang natagpuang biktima, na umalis umano para manghuli ng isda sa nasabing irigasyon gamit ang kanyang electronic fishing apparatus.

Tinitingnang anggulo ng pulisya na nakuryente ng aparato ang biktima na ikinalunod nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.