Wanted sa rape, timbog

Balita - - News - Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija – Timbog ang isang lalaking wanted sa kasong rape, sa manhunt operation ng pinagsanib-puwersang Gapan Police at 2nd Maneuver Company ng Regional Public Safety Battalion (RPSB)-3 sa Barangay Malimba, nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat ni Supt. Peter Madria, Gapan Police chief, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, kinilala ang suspek na si Bryan Pajarillaga, 29, binata, residente ng Bgy. Maburak, na isang taong nagtago.

Nasakote ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Mildred Villaroman-Hernal, RTC-Branch 39, Gapan City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.