2 rider sugatan sa salpukan

Balita - - News - Leandro Alborote

CONCEPCION, Tarlac - Dalawang driver ng motorsiklo ang nasugatan matapos silang magkabanggaan sa highway ng Barangay Santiago sa Concepcion, Tarlac, nitong Biyernes.

Kaagad dinala sa Concepcion District Hospital sina Sherwin Mamangun, 23, driver ng Yamaha Mio Sporty motorcycle, residente ng Bgy. Sto. Cristo; at Rufino Gamboa, Jr., 45, driver naman ng Euro motorcycle, at taga-Bgy. Santiago.

Sa ulat ni PO1 Emil Uy, nangyari ang banggaan dakong 11:30 ng gabi, patungo sa Bgy. Santiago si Gamboa nang makasalpukan ang kasalubong na si Mamangun.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.