2 ‘tulak’ tiklo sa buy-bust

Balita - - News - Leandro Alborote

GERONA, Tarlac – Arestado ang dalawang umano’y tulak sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Bularit, Gerona, Tarlac, nitong Biyernes.

Sa report ni SPO1 Armin Alimboyogen, kinilala ang mga naarestong sina Jay Sangalang, 37, taga-Sitio Tanpoco, Bgy. Matatalaib; at John Joseph Yabut, 24, tricycle driver.

Inaresto ng pulisya si Sangalang matapos abutan ng isang sachet ng shabu ang pulis kapalit ng P500.

Nakakumpiska pa umano ang pulisya ng dalawang plasctic sachet ng shabu mula kay Sangalang.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.