T.G.I.S. reunion sa ‘Road Trip’

Balita - - Showbiz - Angelu, Bobby, Michael, at Bernadette

WISH granted ang hiling ng fans ng hit T.G.I.S. barkada na muling magsasama-sama ang kanilang iniidolo dahil ngayong gabi magkakaroon ng reunion sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Michael Flores, at Bernadette Allyson sa kanilang Road Trip sa Bohol!

Sa tagal na raw ng panahong lumipas, may mga nagbago na kina Angelu, Bobby, Michael at Bernadette. Pero iisa lang daw ang sigurado, na ang #RoadTripBohol na ito, hindinghindi nila malilimutan kahit kailan. Mahigit dalawang dekada na nga raw silang magkakaibigan pero never pa silang nag-road trip together.

Kaya naman ngayong Linggo sa kanilang muling pagsasama, isang masayang adventure ang nasa itinerary ng magbabarkada.

Kaya, pack your bags dahil lalarga na tayo ngayong Linggo sa mas pinaagang timeslot ng Road Trip, 5 p.m. sa GMA-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.