Fergie at Josh Duhamel, hiwalay na

Balita - - Showbiz -

Matapos ang walong taong kasal, hiwalay na sina Fergie at Josh Duhamel, kinumpirma nila sa PEOPLE.

“With absolute love and respect we decided to separate as a couple earlier this year,” saad sa joint statement ng mag-asawa. “To give our family the best opportunity to adjust, we wanted to keep this a private matter before sharing it with the public. We are and will always be united in our support of each other and our family.”

Naging prangka ang mag-asawa – may 4-anyos na anak na si Axl — tungkol sa ligaya at mga hamon ng pagiging mga magulang.

“I have no idea what I’m doing half the time,” sinabi ni Josh kay Ellen DeGeneres noon. “She’s definitely more evolved than I am, and more patient,” aniya. “But I feel like I’m much more – you know, having a kid when I was 40 years old is much different than having one at 22, so I’m a little bit more mature than I was then.”

Hindi man nasilayang magkasama sa publiko sina Fergie, 42, at Duhamel, 44, kamakailan, larawan naman sila ng masayang pamilya habang ipinagdiriwang ang kanilang eighth wedding anniversary noong Enero.

Magkasabay din silang nagpahayag ng kilig sa isa’t isa sa social media habang magkasamang ipinagdiriwang ang okasyon. “8 Years!! Love you babe,” sulat ni Josh.

Josh at Fergie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.