Lomachenko vs Rigondeaux

Balita - - Sports -

NEW YORK (AP) — Isa pang blockbuster match ang aabangan ng boxing aficionados matapos maitakda sa Disyembre 9 ang duwelo sa pagitan nina Vasyl Lomachenko at Guillermo Rigondeaux.

Bahagi ang laban ng dalawang Olympic gold medalist sa serye ng Saturday Night fight ng ESPN.

Itataya ni Lomachenko ang lanyang 130-pound title kontra Rigondeaux, tanyag na defensive specialist na umakyat sa 122 pounds para labanan si Rigondeaux, ayon sa Promoter Top Rank nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Madison Square Garden.

Napagwagihan ni Lomachenko ang Olympic gold noong 2008 Beijing at 2012 London bilang bahagi ng Team Ukraine, habang si Rigondeaux ay namayani sa 2000 at 2004 Olympics sa bansang Cuba.

Kapwa binansagang best amateur fighter ang dalawa sa kasaysayan ng sports.

Tangan ni Rigondeaux ang 17-0 karta, tampok ang 11 knockouts, habang si Lomachenko ay may 9-1 marka, kabilang ang pitong knockouts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.