Pinay golfer, umiskor sa HK Ladies Open

Balita - - Sports -

HONG KONG – Umiskor si Annyka Cayabyab ng 69 para makopo ang ikatlong puwesto, habang tumapos si Bernice Olivarez-Ilas ng 71 para sa ika-apat sa pagtatapos ng Hong Kong Ladies Open Amateur Championship.

Nakopo ni Hou Yu-sang ng Taiwan ang kampeonato sa naiskor na eightunder 64 para sa kabuuang six-under 210 at tatlong stroke na panalo kontra Lin Jie-en, tumipa ng 69 para sa 213.

Matikas na nakabangon si Cayabyab, four-time Veritas world junior titlist, sa naunang iskor na 74 at 72 para sa kabuuang 215 sa Hong Kong Golf Club’s New Course sa Fanling.

Tangan ni Ilas ang three-under may dalawang hole ang nalalabi, ngunit nagtamo ng triple-bogey sa No. 17 at bogeyed sa final hole bunsod nang masamang second shot.

“I gave it my best but the Taiwanese (Hou) played so well,” pahayag ng 15anyos na si Olivarez-Ilas, nagtamo rin ng bogey sa last hole sa second round.

Tumipa naman si Sofia Chabon, pambato rin ng The Country Club, ng 70 para sa ikapitong puwesto na may 218 iskor.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.