Balita

Van binangga, swak sa bangin: 5 patay

- Lyka Manalo

NASUGBU, Batangas – Patay ang limang katao na sakay sa isang van matapos na salpukin ito ng isang trailer truck at mahulog pareho sa bangin sa Nasugbu, Batangas, nitong Martes.

Ayon kay Nasugbu Police chief, Chief Insp. Rogelio Pineda, nakilala ang mga namatay na sina Benjamin Jalandoni, Maria Angela Jalandoni, Herminda Corsiga, Oscar Dela Cruz, driver ng Hyundai Starex van (UOU-631); at isang alyas “Daday”.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver ng truck (ABC-3042) na si Gerardo Tiongson, na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan.

Dakong 3:36 ng hapon at binabagtas ng truck ang national highway ng Sitio Bayabasan sa Barangay Aga nang magpreno si Tiongson subalit biglang lumiko at nahagip ang kasalubong na Starex hanggang parehong nahulog sa bangin ang mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines