Balita

Piolo loveless, walang ka-date sa Star Magic Ball

- Ni REGGEE BONOAN

HINDI nagbabago ang excitement ni Piolo Pascual sa kanyang annual event na Sunpiology katuwang ang Sun Life Financial Philippine­s.

Excited si Piolo dahil kung dati ay runners lang ang kini-cater ng Sunpiology run, ngayon ay kabilang na rin ang mga siklista sa pamamagita­n ng Sun Life Cycle.

“We recognize cycling’s growing popularity in the Philippine­s and this is our share in helping and encourage more people to get into the sport,” sabi ng chief marketing officer ng Sun Life na si Ms. Mylene Lopa. “Just as it is in our fun run. Sun Life Cycle PH will cater to different ages and will offer different categories.”

Maganda nga ito para sa mga bagets para hindi na puro gadgets lang ang alam nila kaya kulang na kulang sila sa ehersisyo.

May pitong kategorya ang Sun Life Cycle; ang Tricycle Ride 100 meters para sa mga batang 2-3 years old; Kid’s Ride 500 meters for 4-5 years old; Family Ride 30 minutes para sa 6-15 years old with adult companion; Solo Ride 30 minutes 6-15 years old; Short Distance Ride 20km for 10 years old and above at Long Distance Ride 40km para sa 10 years old at pataas.

Mayroon ding Charity Category, ang Bid2Bike na puwedeng sabayan sa pagbibisik­leta with photo souvenir at autograph signing ang kanilang mga idolong sina Gerald Anderson, Iñigo Pascual, Matteo Guidicelli, Piolo at iba pang Star Magic talents na sasali sa event.

Kasama rin si Robbie McEwen, ang Australian former profession­al road bicycle racer na ang huling sinalihan ay ang Orica–GreenEDGE sa UCI World Tour.

Unang pagkakatao­n na makakasama ni Piolo sa Sun Life Cycle PH ang internatio­nal cyclist pero maraming beses nang sumali ang aktor sa Ironman na ginanap sa Malaysia, Indonesia, Vietnam at Hong Kong na naging project din ng Sun Life. Bagamat walang kinalaman sa Sun Life Cycle at Resolution Run, nausisa rin kay Piolo kung sino ang magiging ka-date niya sa Star Magic Ball sa Setyembre 30. “Wala akong ka-date. Pupunta ako ro’n mag-isa, pero marami akong ka-table, doon na ako mamimili sa table,” natawang sagot ni Piolo. Pagkatapos ng Q and A nabanggit ni Piolo na wala siyang makakasama dahil loveless siya. Daig pa nga raw siya ng anak niyang si Iñigo dahil may ka-date ( Maris Racal). Gaganapin ang Sun Life Cycle PH sa Bonifacio Global City, Taguig sa Nobyembre 18 at ang Sun Life Resolution Run ay magaganap sa Enero 20, 2018 na tulad din ng dati na puwedeng sumali sa kategoryan­g 3K, 5K at 10K na tinawag na Run Rio. Ngayong edad 40 na si Piolo, hindi naiwasang tanungin siya sa launching ng Sunpiology Duo sa Seda Hotel nitong nakaraang Martes kung may mga nararamdam­an na rin ba siyang sakit sa katawan lalo na’t hindi naman biro ang mga ginagawa niya bilang artista na laging puyat sa shooting, TV host, movie producer at iba pa. “Ay, grabe, ha, ha, ha,” natawang reaksiyon ni Piolo. “Well, I guess it’s a matter of consistenc­y, when you trained constantly, of course there’s a way there, of course, it’s the matter of having the right form, the right balance of course in sleep and If you’re health conscious naman, it’s part of it. Actually I always find time in my busy schedule because it’s benefit to my health.” So far, wala pang nararamdam­ang sakit-sakit sa katawan ang aktor.

 ??  ?? Piolo
Piolo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines