Ellen at Lloydie, nag-break na?

Balita - - Pangunahing Pahina - Ni NITZ MIRALLES

MAY bago sa John Lloyd Cruz at Ellen Adarna serye at ito’y ang pag-delete ng picture ng isa’t isa sa kanya-kanyang Instagram (IG) account. Wala nang kahit isa mang photo ni John Lloyd sa IG ni Ellen samantalang sa IG ng aktor, isang picture na lang ni Ellen ang natira at ang video ng isang paa nito at video ng mga paa nila habang naglalakad.

May nagtanong kay Ellen ng, “What happened no more John Lloyd” at “Hala, bakit mo dinelete photos niyo?” pero pareho silang hindi sinagot ni Ellen. Pati ang comment na ang bilis naman ng break- up nila, hindi rin sinagot ng aktres.

Saka, parang nasa bahay na nila ang aktor, wala na siya sa apartment ni Ellen sa may Malate.

So, iba- iba ang espekulasyon. May nagsasabi na baka naman hindi pa break ang dalawa, baka napagkasunduan lang nila na sabay nilang i- delete ang pictures ng isa’t isa at sa kung anong dahilan, sila lang ang nakakaalam.

Ellen at John Lloyd

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.