Balita

Bangayan sa papal visit

-

LIMA (AFP) – Nagbabanga­yan ang gobyerno ng Peru at ang simbahang Katoliko kaugnay sa nakatakdan­g pagbisita ni Pope Francis sa isyu ng politika at mga pangamba sa lindol.

Ang argumento ay kung dapat bang magdaos ang papa ng malaking outdoor mass sa pagbisita nito sa Enero.

Orihinal na pinili ng simbahan ang isang beach malapit sa Lima. Maganda ang tanawin dito ngunit katabi ng 260talampa­kang bangin at mayroon lamang apat na evacuation routes sakaling lumindol.

Karaniwang nakararana­s ang Peru ng 200 pagyanig bawat taon, karamihan ay mas mahina sa magnitude 6. Ang pinakamala­kas ay ang magnitude 7.9 noong 2007 — na pumatay ng halos 600 katao.

Kayat nais ng gobyerno, ang may pinal na desisyon at hindi pa makapagpas­ya, na magdaos na lamang ang papa ng misa sa tarmac ng isang military airport.

Ngunit sinabi ng simbahan na may lihim na motibo ang gobyerno: para hindi makapagmis­a kasama ng papa ang archbishop ng Lima na si Juan Luis Cipriani, pinuno ng ultra-conservati­ve movement na Opus Dei sa Latin America at masugid na kritiko ng gobyerno.

Iginiit ng chairwoman ng council of ministers na si Mercedes Araoz, na mahalagang pumili ng lugar kung saan magiging ligtas ang mga tao sa lindol.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines