Mosyon vs Jinggoy

Balita - - News - Rommel P. Tabbad

Naghain ng motion for reconsideration sa Sandiganbayan ang Office of the Ombudsman upang hilingin na muling pag-aralan ang tinawag nitong maling desisyon na payagang makapagpiyansa si dating senador Jose “Jinggoy” Estrada kasong plunder kaugnay sa pork barrel fund scam.

Iginiit ng prosekusyon na hindi dapat ibinatay ng Sandiganbayan ang desisyon nito sa desisyon ng Supreme Court nang pahintulutan ang demurrer to evidence na iniharap ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Arroyo.

“With all due respect, this honorable court committed serious error when it granted bail to accused Estrada by anchoring the same on the doctrine enunciated in the case of Gloria Macapagal-Arroyo (versus) Sandiganbayan which is inapplicable in this case,” saad sa mosyon ng prosekusyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.