Mag- ina natusta sa pagliyab ng bahay

Balita - - News - Bella Gamotea

Hindi na nakalabas nang buhay ang mag-ina nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Parañaque City, kahapon ng umaga.

Bangkay na nang marekober ng mga bumbero sina Dazzel Alloya, nasa hustong gulang; at Ariella Adi, 3, kapwa ng J.P. Rizal, kanto ng P. Dandan Street, La Huerta ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ni Parañaque City Fire Department Fire Marshall Supt. Robert Pacis, nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay na pagaari ng isang Aida Garcia sa nasabing lugar, bandang 11:32 ng umaga.

Agad kumalat ang apoy at nadamay ang dalawang katabing bahay at isa sa mga ito ang sinisilungan ng mag-ina.

Tuluyang naapula ang apoy bandang 12:48 ng hapon.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng naabong ari-arian.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.