Luis, ‘di komportable sa tapatan ng shows nila ni Edu

Balita - - Showbiz Atbp. - Ni JIMI ESCALA

PARA kay Luis Manzano , hindi maganda ang ginawang pagtatapat ng show nila ng kanyang amang si Edu Manzano. Katapat kasi ng I Can See Your Voice ni Luis ang Celebrity Bluff ng GMA-7 na co-host si Edu ni Eugene Domingo.

Pero ayon kay Luis, wala silang magagawa dahil “management decision” iyon.

Ikinuwento ni Luis na natiyempo naman na sa pilot episode ng I Can

See Your Voice ay wala ang kanyang ama sa episode sa kabila dahil nagbakasyon ito.

Ayon pa kay Luis, dapat ay kasama siya sa pagbabakasyon ni Edu sa Morocco pero dahil sa bagong game show niya ay hindi na siya nakasama. Sa naturang bansa nag-celebrate ng kaarawan ang kanyang daddy groovy.

Last year ay nakasama si Luis sa pagbabakasyon ni Edu at ng mga kapatid niya rito.

“Siyempre naintindihan naman ‘ yun ni Daddy. I really wanted to, kasi almost every year magkasama kami sa okasyon ng birthday niya. Pero dahil sa work, eh, hindi na muna,” kuwento ni Luis.

Nanghihinayang si Luis dahil dumaan ang grupo ng daddy niya sa Portugal at naki-celebrate sa 100th anniversary ng Our Lady of Fatima.

“Gustung- gusto ko pa namang makarating doon kaya sayang,” lahad pa ng premyadong TV host.

Luis at Edu

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.