Nabagong image ni John Lloyd, ano ang bungang problema?

Balita - - 10 -

TIYAK na masakit na ang ulo ng mga taong nasa likod ng career ni John Lloyd Cruz. Sa rami ng mga isyung kinasasangkutan ng Kapamilya star, papaano kaya nila magagawan ng paraan ang lahat ng ito?

Sino ang mag- aakala na ilang linggo lang mula nang ipalabas ang pelikula nila ni

Sarah Geronimo ay bigla nang nagkaroon ng mga kontrobersiya si John Lloyd. Mula sa mga video na mistulang lasing, o mas higit pa ayon sa obserbasyon ng iba, hanggang sa nakakarimarim na posts ng aktor sa Instagram, ibang-ibang John Lloyd na ang nakikita ng publiko ngayon.

Pero tiyak na hindi lang mga taga-Dos ang may problemang kinakaharap dahil siguradong nakakunot na rin ang noo ng mga taong nasa likod ng endorsements ng aktor.

Kung ang basehan nila sa pagkuha kay John Lloyd bilang endorser ng produkto nila ay ang wholesome image nito, papaano na ngayong may ganitong pinagdadaanan ang actor? Sa ibang bansa, mabilis ang aksiyon ng mga ahensiya o kompanya ‘ pag may kontrobersiyang kinasangkutan ang endorser nila, ganito rin kaya ang mangyayari sa kaso ni John Lloyd?

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.