Zuckerberg, bumuwelta sa bintang ni Trump

Balita - - 11 -

BUMUWELTA ang Facebook chief na si

Mark Zuckerberg kay US President Donald Trump nitong Miyerkules sa akusasyon ng huli na ang nangungunang social network ay “always anti-Trump.”

Itinanggi ni Zuckerberg ang bintang, nangatwiran na sinisikap ng Facebook na matiyak ang “free and fair elections” sa online platform na walang pinapaboran.

Ang Facebook post ni Zuckerberg ay kasunod ng akusasyon ni Trump na hindi patas ang social network sa morning tweet nito na nagsasabing: “Facebook was always antiTrump. The Networks were always anti-Trump hence, Fake News, @nytimes(apologized) & @ WaPo were anti-Trump. Collusion?”

Ang Twitter tizzies sa madaling araw ay naging tatak na ng Trump presidency.

“Trump says Facebook is against him. Liberals say we helped Trump,” saad sa post ni Zuckerberg.

“Both sides are upset about ideas and content they don’t like. That’s what running a platform for all ideas looks like.”

Sinabi ng Facebook noong nakaraang linggo na ibibigay nila sa Kongreso ang Russia-linked ads sa social network na naglalayong gatungan ang mga tensiyon sa US presidential election.

Nilalayon ng ads na pagawayin ang mga Amerikano sa maiinit na isyu sa lipunan. Ang balita ng desisyong ito ay kasabay ng pahayag ng Facebook na tinutugis nito ang mga pagsisikap na gamitin ang nangungunang social network para makialam sa halalan sa US o sa iba pang lugar. “After the election, I made a comment that I thought the idea misinformation on Facebook changed the outcome of the election was a crazy idea,” ani Zuckerberg. “Calling that crazy was dismissive and I regret it. This is too important an issue to be dismissive.” Nanindigan siya na ang pinakamalaking papel ng Facebook sa eleksiyon ay ang platform para sa mga kandidato at mamamayan na direktang makipagkomunikasyon sa isa’t isa kaugnay sa mga isyu. Hiniling ng Senate Intelligence Committee sa top tech companies na Google, Facebook at Twitter na tumestigo tungkol sa pangingialam ng mga Russian sa politika sa US, kinumpirma ng isang Senate aide nitong Miyerkules. Inaasahang haharap ang tatlong Internet at online social media giants sa Nobyembre 1 sa open hearing sa lumalakas na ebidensiya ng palihim silang minanipula sa kampanya para tulungang manalo si Donald Trump sa panguluhan. “We will do our part to defend against nation states attempting to spread misinformation and subvert elections,” diin ni Zuckerberg.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.