Steven Spielberg, naiilang sa harap ng camera

Balita - - 11 -

LOS ANGELES (Reuters) – Napakaraming award- winning movies na ang idinirehe ni Steven Spielberg sa 40-taon niyang karera, ngunit hindi siya naging komportable kapag sa kanya naman itinutok ang camera.

Ang double Oscar winner, direktor ng mga pelikulang Schindler’s List, Jaws at Saving Private Ryan, ang subject ng documentary na ipapalabas sa HBO television na ibinatay sa mahigit 30 oras ng mga panayam kay Spielberg mismo, sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

“It’s a very interesting experience being the subject of a film when I have spent my entire career seeking subjects for my films. And to be suddenly be in that hot seat - for me it was both intimidating and daunting,” wika ni Spielberg sa mga mamamahayag sa Los Angeles premiere ng documentary nitong Martes.

Sinabi ni Spielberg, 70, na ang director na si Susan Lacy ang humikayat sa kanya para magsalita tungkol sa mga naging inspirasyon ng kanyang mga pelikula, kahit na hindi ito ang usapin na pinaglalaanan niya ng kanyang lakas.

”I don’t spend a lot of time in any kind of self- analysis. In a way, I let the films do that. And I let you figure out me through those films.

“I just spend time looking for good stories and just going out and telling them,” dagdag niya.

Tampok din sa dokumentaryo ang mga panayam sa maraming nakatrabaho ni Spielberg o naimpluwensiyahan ng kanyang mga likha, kabilang sina Tom Hanks, Oprah Winfrey, Harrison Ford, Leonardo DiCaprio, Martin Scorsese at Cate Blanchett. Ipapalabas ang Spielberg sa HBO sa Oktubre 7.

Steven

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.