Barnachea, liyamado sa LBC race

Balita - - Anunsiyo Klasipikado -

TARGET nina Santy Barnachea at Irish Valenzuela na makabalik sa tugatog ng tagumpay, habang masusukat ni Southeast Asian Games triathlon gold medalist Nikko Huelgas ang tunay na lakas sa pagsikad ng Luzon qualifying race para sa 2018 LBC Ronda Pilipinas ngayon na magsisimula sa Tarlac Provincial Capitol at magtatapos sa Monasterio de Tarlac.

Asam ng 41-anyos na si Barnachea, kampeon sa unang Ronda race noong 2012 at nakaulit noong 2015, na muling makasabak sa karera at makaharap ang pinakamatitikas na rider sa kasalukuyan sa 7th edisyon ng taunang torneo na nakatakda sa Marso 1.

Tulad niya, marubdob din ang paghahangad ni Valenzuela, Ronda champion noong 2013, na muling maabot ang tugatog ng tagumpay at makamit ang pinakamalaking premyo sa karera sa bansa – P1 milyon na kaloob ng LBC.

Wala namang nais patunayan si Huelgas sa kanyang paglahok, ngunit asam niyang matutunan ang iba’t ibang diskarte sa karera na aniya’y makatutulong sa kanyang paghahanda sa pagsabal sa World Cup at sa 2018 Palembang Asian Games gayundina ng 2019 SEA Games sa manila kung saan target niyang makuha ang ‘three-peat’ sa triathlon.

Nakopo niya ang ikalawang sunod na SEA Games gold sa 29th edisyon sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Agosto.

Sasabak din si Junrey Navarra, dating Ronda King of the Mountain winner, na nabigong makalahok sa nakalipas na taon bunsod nang personal na trabaho.

Kwalipikado na si Jan Paul Morales, ang reigning Ronda champ, para sa 2018 edisyon, gayundin ang 19 pang ibang riders, ngunit nagdesisyon silang lumahok bilang bahagi na ring kanilang pagsasanay.

May kabuuang 332 riders ang sisibat para sa naghihintay na 38 slots at premyong P30,000. May nakaaang P20,000 sa second at P10,000 sa third placer.

Nakatakda rin ang isa pang qualifying race sa Oct. 21 sa Danao, Cebu kung saan nakataya ang 38 pang slots.

Ayon kay LBC Ronda project director Moe Chulani, kumpiyansa siya na makakatuklas ang Ronda nang mga bagong bayani at world-class riders na mapapabilang sa national team.

“As in the past years, the LBC Ronda Pilipinas is geared towards giving aspiring young riders a chance to fulfill their cycling dreams,” sambit ni Chulani.

Barnachea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.