NU at Ateneo,tumatag sa UAAP

Balita - - Anunsiyo Klasipikado -

UMUSAD ang defending champion National University at Ateneo para makasikwat ng slots sa Final Four ng men’s division ng UAAP Season 80 badminton tournament.

Binokya ng Bulldogs ang Adamson University, 5-0, kahapon, habang ginapi ng Blue Eagles ang University of the East, 4-1.

Tangan ng NU at Ateneo ang 3-0 karta. Magtutuos sila ngayon ganap na 8:00 ng umaga para sa unang semifinals berth sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Ginapi ng University of the Philippines ang University of Santo Tomas, 3-2, para makisosyo sa De La Salle sa third place na may kartang 2-1.

Matikas din ang UP at Ateneo sa women’s class.

Pinangunahan ni national mainstay Poca Alcala ang Lady Maroons tkontra UE, 4-1, habang nanaig ang Lady Eagles, sa pangunguna ni Bianca Carlos, kontra Adamson University, 4-1.

Nadomina naman ng De La Salle ang UST, 5-0, para sa 2-1 karta.

Nanaig si Alvin Morada kontra Kevin Fabros, 21-9, 21-18, gayundin sina Keeyan Gabuelo kontra Johnrick Macabenta, 23-25, 21-9, at Mike Minuluan kontra Marf Concha para walisin ng NU ang singles matches.

Sinudan ito ng panalo ng NU’s doubles pairs nina Minuluan at Christian Cuyno, 2114, 21-11m kontra Concha at Joshua Antonio, gayundin ng tambalan nina Morada at Alem Palmares kontra Fabros at Macabenta, 21-16, 21-19.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.