Balita

Krusyal na duwelo sa PVL

- NI MARIVIC AWITAN

NAKATAYA ang unang slots sa Final Four sa Group A sa paghaharap ng National University at Ateneo, habang magtutuos ang University of the Philippine­s at Arellano University para sa ikalawang upuan sa semifinals ng Group B ngayon sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Tatangkain ng Lady Bulldogs na makumpleto ang sweep sa kanilang grupo sa laban kontra Lady Eagles (3-1) ganap na 6:30 ng gabi.

Magkakahar­ap naman angf Lady Maroons at Lady Chiefs ganap na 1:00 ng hapon kung saan ang mananalo ay makakasama ng nauna nang pumasok na unbeaten Adamson Lady Falcons (4-0) sa crossover semis na susundan ng salpukan nang nasibak ng St. Benilde at Technologi­cal Institute of the Philippine­s (TIP) na kapwa winless matapos ang tig-apat na laro ganap na 4:00 ng hapon.

Sasandigan ng National University ang solido nilang roster sa pangunguna nina Jaja Santiago, playmaker Jasmine Nabor, Risa Sato ,Aiko Urdas at Jorelle Singh.

Tatapatan naman sila ng Lady Eagles na pangunguna­han nina Kat Tolentino, Jhoana Maraguinot, Juliane Samonte, Bea de Leon at Pauline Gaston.

Sa men’s division , target din ng Ateneo ang sweep sa pagtutuos nila ng National University ganap na 10:00 ng umaga habang tatangkain ng UST na makopo ang fourth semis berth sa pagsabak kontra St. Benilde ganap na 8:00 ng umaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines