Blue Eagles, markado sa UAAP

Balita - - Sports - Marivic Awitan

DALAWANG koponan na lamang ang balakid para makumpleto ng Ateneo Blue Eagles ang bihirang sweep sa elimination round ng 8-team seniors basketball UAAP Season 80.

Lalapit ang Katipunanbased cagers sa inaasam na marka sa pakikipagtuos sa National University sa tampok na laron ngayon ganap na 4:00 ng hapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Target naman ng namimiligrong University of Santo Tomas na makaisa matapos ang limang sunod na kabiguan kontra sa La Salle Archers (3-1) sa 2:00 ng hapon.

Nadagit ng Blue Eagles ang ikalimang sunod na panalo nang lupigin ang Tigers nitong Miyerkules, 8365, habang galing sa kabiguan ang Bulldogs sa kuko ng Adamson Falcons, 76-83.

Tulad nang mga nauna nilang panalo, muling aasahan ni coach Tab Baldwin para sa target na mapanatiling walang talo sina Thirdy Ravena, Matt Nieto, Chibueze Ikeh, Aaron Black, Vince Tolentino at Anton Asistio.

Ngunit, kailangan nilang paghandaan ang tiyak na pagbawing gagawin ng Bulldogs na sasandigan naman kina Jayjay Alejandro, Issa Gaye, Dave Yu at Matt Salem.

Mauuna rito, asam ng Green Archers na makabangon sa natamong unang kabiguan sa kamay ng University of the Philippines Maroons sa dikitan at pahirapang duwelo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.