Balita

Migrant’s protection, lalagdaan ng ASEAN

- Argyll Cyrus B. Geducos

Lalagdaan ng mga kasaping estado ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kasunduan na nagsusulon­g sa mga karapatan ng mga migranteng manggagawa sa ika-31 summit ng 50-taong regional bloc sa Manila at Clark, Pampanga sa susunod na linggo.

Ayon kay Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) assistant secretary Kris Ablan, ang paglalagda ang isa sa mga highlight ng 31st ASEAN Summit.

“One important agreement na magkakaroo­n ay magkakaroo­n tayo ng kasunduan o consensus on the right of migrant workers,” sabi ni Ablan sa panayam ng PTV-4 kahapon ng umaga.

“This is a big step. Kung meron tayong mga domestic helpers, profession­als na pupunta ng Malaysia, pupunta ng Indonesia at in the same way na may mga pumunta dito, their rights as migrant workers will be protected,” paliwanag ni Ablan.

Ang ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers ay unang inendorso ng Ministers ng ASEAN SocioCultu­ral Community (ASCC) Council sa Tagaytay City nitong nakaraang Setyembre.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines