Balita

Bangka lumubog, 8 na-rescue

- Leandro Alborote

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong estudyante matapos na lumubog ang bangkang sinasakyan ng mga ito sa Bulobadian­g Islet sa Estancia, Iloilo.

Ayon kay Lt. Commander Ramil Palabrica, Coast Guard Iloilo station commander, nakatangga­p sila ng tawag mula sa Coast Guard Sub-Station (CGSS)-Estancia na may lumubog na bangka matapos mahampas ng malakas na alon.

Ayon kay Palabrica, sumakay ang mga estudyante sa bangka mula sa Barangay Talingting sa Carles at nang narating na ang baybayin ng Estancia ay lumubog ang bangka.

Nailigtas sina Rodel Gonzales, 16, ng Bgy. Bitoon, Carles; Justine L. Vegare, 15, ng Bgy. Talingting, Carles; Charmaine Joy R. Hiasa, 16, ng Bgy. Canoan, Estancia; Arriane C. Boromeo, 14, ng Bgy. Poblacion, Estancia; Blessed Lyn Mianne, 16, ng Bgy. Tabugon, Carles; Izzume P. Villanueva, 18, ng Bgy. Poblacion, Zone 1, Estancia; at Aira Barres, 17, ng Bgy. Bitoon, Carles, Iloilo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines