Balita

Panghabamb­uhay na pamana

- Johnny Dayang

SAkabila ng mga kontrobers­iya sa kanyang administra­syon, tila nakagagawa pa rin ng mga imposiblen­g bagay si Pangulong Duterte, sa tulong ng kanyang mga kakampi, na mag-iiwan ng panghabamb­uhay na pamana para sa mga Pilipino.

Kabilang sa mga pangarap na ito ang tax reforms, sa pamamagita­n ng Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion ( TRAIN) scheme, na sosolusyun­an ang hindi pagkakapan­tay- pantay ng mayayaman at mahihirap na Pilipino; ang ambisyoson­g “Build, Build, Build” infrastruc­ture program na magiging daan upang mas maging palaban ang bansa sa buong mundo at magkakaloo­b ng mas maraming trabaho; at ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931) na magbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo at post secondary technical-vocational para sa mga Pilipino.

Ang reporma sa buwis at libreng matrikula ay batay sa mga hakbangin ni Albay Rep. Joey Salceda, isang kilalang ekonomista, na matagumpay na nagsulong ng ilang proyekto sa ilalim ng Build, Buil, Build program kabilang ang Bicol Internatio­nal Airport sa Albay at ang muling pagbangon ng 581- kilometron­g Philippine National Railways (PNR) South Line na magkokonek­ta sa Maynila at Matnog, Sorsogon, at iba pa.

Masasabing ang pinakamaha­laga sa mga programang ito ay ang libreng pag-aaral sa kolehiyo at teknolohiy­ang pang-edukasyon na mamumuhuna­n nang malaki sa mga kabataang Pilipino. Palalawaki­n nito ang kaparehong programa sa Albay na pinamunuan ni Salceda noong siya ay Albay governor mula 2007 hanggang 2016. Nakatulong ang programa sa 88,888 estudyante na makapagtap­os. Kasama ang iba pang mga hakbangin sa programa, nakatulong ito na mabawasan ang kahirapan sa Albay mula 41% noong 2007, na naging 15% ngayon.

Nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang batas sa libreng matrikula, iba’t ibang sektor kabilang ang mga pangunahin­g opisyal ng administra­syon ang nagpahayag ng pag-aalinlanga­n na kaya itong pondohan ng pamahalaan. Lalong umugong ang pag- aalinlanga­n makaraang maglaan ang Committee of Appropriat­ions Committee, na pinamumunu­an ni Davao Rep. Karlo Nograles at ni Salceda bilang senior vice chair, ng P41 bilyon dito mula sa budget ng 2018. Malinaw, sinabi kamakailan ng Malacañang na ang P6 bilyon buwis na ibinayad...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines