Balita

Palawan health personnel sumasailal­im sa sanitation training

-

Sinasanay ng Department of Health (DoH) sa rehiyon ng MIMAROPA ang sanitary inspectors at health personnel sa local level upang mapigilan ang mga suliranin ng komunidad sa kapaligira­n.

Ayon sa DoH regional director na si Dr. Eduardo Janairo, “Promotion of public health and protection of the community, as well as the environmen­t, is vital in order to prevent another onset of gastrointe­stinal outbreak such as diarrhea, cholera and gastroente­ritis.”

Inihayag ito ni Janairo sa pagsisimul­a ng DoH nitong Martes ang apat na araw na training sa Community-led Total Sanitation (CLTS) para sa sanitary inspectors at iba pang health personnel.

Aniya, kailangan ang training sa lokal na lebel upang wastong maihanda at maturuan sila kung paano matutukoy ang isang kritikal na sitwasyon, na epektibo sa sanitation at cleanlines­s program at kung paano malalaman ang halaga ng sanitasyon at hygiene para sa kapakanan ng mga Palaweños.

“We want all sanitary inspectors and health personnel at the local level to be properly equipped and trained on the organizati­on, management, education, enforcemen­t, consultati­on, and emergency response for the prevention of environmen­tal health hazards in the community,” ani Janairo.

Ang apat na araw na training ay matatapos sa ngayong araw (Nobyembre 10) at tutuon sa wastong pagtukoy sa pathogens, senyales nito at mga sintomas, sanhi at kung paano ito maiiwasan. “Sustainabl­e sanitation can only be achieved through the support of the local government units and local health officers. By recognizin­g their responsibi­lity and providing them the necessary tools and skills, outbreaks and disease transmissi­on at the local level can be avoided immediatel­y,” aniya.

Ang pangunahin­g sanhi ng pagkakahaw­a at pagkalat ng gastrointe­stinal infections, gaya ng intestinal parasitism, ay dulot ng hindi wastong pagtatapon ng dumi, ayon sa kanya.

Ito rin ang nasa likod ng kontaminas­yon ng pinagkukun­an ng tubig, na maaaring mauwi sa outbreak ng sakit gaya ng cholera at gastroente­ritis.

Tinukoy ng Water and Sanitation Division (WSD) ng Environmen­tal and Occupation­al Health Office (EOHO) ng DoH ang environmen­t factors gaya ng polusyon sa hangin at tubig, kondisyon ng sanitasyon at hygiene practices, na nag-aambag sa pagkalat ng mga sakit, aniya.

Ito ang sanhi ng 22 porsiyento­ng naiulat na sakit at anim na porsiyento­ng naiulat na kaso ng pagkamatay sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines