Balita

New Era, hataw sa WBL ng BEST Center

- RIO DELUVIO

NANATILING malinis ang marka ng New Era College nang magwagi via walk over sa St. Mary’s College para sa ikaapat na sunod na panalo sa Group C, habang nagwagi ang Quezon City Academy kontra Miriam College sa Group D ng 18-Under Developmen­tal Division ng 30th Women’s Basketball League na inorganisa ng Best Center sa Xavier School gym.

Winalis naman ng New Era ang Group C para makausad sa semi- finals, habang nanaig ang Highway Hills Integrated Academy sa Philippine Cultural College (0-3), 5O-23, sa torneo na suportado ng Milo, Chris Sports, Rain or Shine at SKLZ.

Nagwagi naman sa Group A ang School of Holy Spirit (2-1) kontra Colegio San AgustinMak­ati (0-2), 46-25; St. Scholastic­a’s Academy-Marikina (2-0) kontra Immaculate Conception Academy ( 1- 1), 42- 25, habang hataw sa Group B ang Assumption College (1-0)kontra Raises Academy (1-1), 24-12.

 ??  ?? UNAHAN sa puwesto sina Issa Gaye ng National University (kaliwa) at Prince Orizu ng Far Eastern University para sa rebound sa kainitan ng kanilang laro sa UAAP men’s basketball second round nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang Bulldogs,...
UNAHAN sa puwesto sina Issa Gaye ng National University (kaliwa) at Prince Orizu ng Far Eastern University para sa rebound sa kainitan ng kanilang laro sa UAAP men’s basketball second round nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang Bulldogs,...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines