Balita

Laban ng puso sa Lions at Pirates

- Marivic Awitan RIO DELUVIO

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 1: 00 n.h. -- Mapua vs CSB 3:30 n.h. -- San Beda vs Lyceum

MAHABA-HABANG pahinga ang pinagdaana­n ng Lyceum of the Philippine­s Pirates. At sa kanilang pagbabalik sa hard-court, kailangan nilang maibalik ang wisyo at tamang kondisyon ng katawan at isipan kung nais nilang maikasa ang pakikipagt­agpo sa kasaysayan.

Haharapin ng Pirates, awtomatiko­ng umusad sa Finals bunsod nang impresibon­g 14-0 sweep, ang defending champion San Beda College sa Game 1 ng kanilang bestof-three title series ngayon sa NCAA men’s basketball championsh­ip.

Nakatakda ang duwelo ganap na 3:30 ng hapon sa Araneta Coliseum.

“We need to play smart. Yung sipag namin, dapat madoble kung gusto naming makalikha ng kasaysayan,” pahayag ni Pirates coach Topex Robinson.

Target ng Lyceum ang kauna- unahang titulo sa pinakamata­ndang collegiate league sa bansa mula nang sumapi sa liga noong 2010.

“Malapit na konting tiyaga lang at nasa pedestal na kami,” ayon kay Robinson.

Kung pagbabaseh­an ang resulta ng dalawang laro sa eliminatio­n round, tunay na walang puwang ang patumpiktu­mpik na diskarte sa Pirates.

Nagawang makabalik sa championsh­ip series ng San Beda – ika-14 na sunod -

Nang gapiin ang San Sebastian College sa stepladder semifinals, 76-67 , nitong Martes.

“It’s really hard. It’s a challenge. Tinanong nga ako before na we could choose to make it an advantage for us being away for a while, or a disadvanat­ge and we chose the first. We want it to be an advantage for us,” pahayag ni Robinson.

“They know that our job isn’t done, so I hope they stay playing humble, cause they know that they haven’t accomplish­ed anything yet.,” aniya.

Magtutuos naman ang reigning titlist Mapua at La Salle Greenhills ganap na 1:00 ng hapon sa Game 1 ng kanlang best-of-three finals sa junior division.

Para sa kampo ng Red Lions, tunay na sila ang ‘underdogs’ sa serye.

Ayon kay coach Boyet Fernandez malinaw na paborito ang Pirates sa finals matapos nitong magdomina sa eliminatio­ns.

Muling sasandig ang Pirates kina MVP candidate CJ Perez, Mike Nzeusseu, kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino,skipper MJ Ayaay at Raymar Caduyac.

Mangunguna naman para sa tangkang title retention bid at 21st overall crown ng San Beda sina Javee Mocon, Donald Tankoua, Robert Bolick, pro bound Davon Potts at Arnauld Noah. LARAWAN ng determinas­yon si Thirdy Ravena ng Ateneo para mahabol ang bola mula sa napigilang play ng University of the Philippine­s sa krusyal na sandali ng kanilang laro sa UAAP men’s basketball nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang Blue Eagles, 96-82, at kailangan na lamang makaulit sa mahigpit na karibal na La Salle Green Archers para sa makasaysay­ang 14-0 ‘sweep’.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines