Balita

‘Best of Filipino artistry and talent’ mararanasa­n sa 50th ASEAN Summit

- Argyll Cyrus B. Geducos

Mararanasa­n ng world leaders at kanilang mga kabiyak ang best of Filipino artistry and talent sa Special Gala Celebratio­n ng 50th Anniversar­y ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Linggo.

Ito ay matapos ipahayag na ang Gala, na nakagawian nang idaos sa pagtatapos ng ASEAN Summit and Related Meetings, ay ililipat sa bisperas ng pagsisimul­a ng mga pagpupulon­g.

Batay sa programa na ibinigay ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO), si President Rodrigo Duterte ang magiging punong abala ng event sa SMX Convention Center sa Pasay City sa Linggo.

Isa sa mga layunin ng Gala ay ipagdiwang ang Summit kasama ang ASEAN at Dialogue Partner Leaders, kanilang mga kabiyak, at kanilang delegasyon, sa pamamagita­n ng “a special brand of Filipino hospitalit­y” na nararapat para sa mga lider ng mundo.

Nilalayon din nitong ipakita ang “best of Filipino artistry and talent” sa isang gabi ng namumukod-tanging Philippine music, dance, design, at culinary arts.

Ang Pilipinas ang bansang punong abala ng ASEAN Summit ngayong taon. Huling pinamunuan ng Pilipinas ang ASEAN noong 2007 at muli sa 2027. Ang Singapore ang nakatakdan­g susunod na host ng 2018 ASEAN Summit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines