Balita

Pumalag sa holdaper dedo

- Mary Ann Santiago

Patay ang isang receptioni­st matapos umanong manlaban sa holdaper habang papauwi sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi.

Tadtad ng bala sa katawan, dead on the spot si Bernadeth Macam, 26, ng Spring Valley, Barangay Cupang, Antipolo City.

Patuloy namang tinutugis ang hindi pa nakikilala­ng suspek na mabilis na tumakas nang makuha ang mahahalaga­ng gamit ng biktima.

Ayon kay Non Uniformed Personnel (NUP) Raymund Nallan, naganap ang insidente sa Don Vicente Avenue, Bgy. Cupang, dakong 7:45 ng gabi.

Pauwi na ang biktima mula sa kanyang trabaho nang harangin ng isang armado at nagdeklara ng holdap.

Ayon sa pulisya, posibleng nanlaban ang biktima kaya pinagbabar­il ito ng suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines