Balita

Bingohan niratrat: 1 patay, 3 sugatan

- Kate Louise Javier

Patay ang isang babae habang tatlong katao, kabilang ang 13-anyos na lalaki, ang sugatan matapos magpaulan ng bala ang mga armadong lulan sa motorsiklo malapit sa isang bingo session sa Caloocan City, nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Police Officer 1 John Ree Bello, may hawak ng kaso, dead on the spot si Zenaida Delos Santos, 48, ng Dahlia Street, Barrio San Jose, Barangay 187, Tala, Caloocan City. Siya ay nagtamo ng mga bala sa katawan.

Sugatan naman sina Harwyn Bongon, 13; Michael Medalia, 20; at Liza Oliosa, 34, na pawang nadaplisan ng bala at taga-Dahlia Street.

Base sa inisyal na imbestigas­yon, nakikipagk­uwentuhan si Medalia sa kanyang kaibigan malapit sa bingo session sa Dahlia Street nang pagbabaril­in ng mga suspek, bandang 2:30 ng hapon.

Si Balmores, na nasa tabi ni Medalia, ay tinamaan din ng bala sa kaliwang kamay.

Kahit may tama sa tiyan, nagawang tumakbo ni Medalia ngunit hinabol siya ng isa sa mga armado, ayon sa saksi.

Binaril din ng armado, na dumaan sa bingo session habang hinahabol si Medalia, nang paulit-ulit si Delos Santos na naging sanhi ng kanyang pagkamatay, habang nadaplisan naman si Oliosa sa kanang paa.

Agad isinugod sa Tala Hospital sina Balmores at Oliosa.

Kasalukuya­ng isinasagaw­a ang imbestigas­yon upang malaman ang motibo at maaresto ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines