Balita

‘Kasalanan ko!’ -- Robinson

- Marivic Awitan

NATAPOS ang 18-game winning run ng Lyceum makaraang madapa 87-94 sa determinad­ong San Beda nitong Biyernes ng gabi sa Game 1 ng NCAA Season 93 best -of-3 finals series sa Araneta Coliseum. Buong pagpapakum­baba namang inako ni head coach Topex Robinson ang responsibi­lidad ng nasabing pagkabigo.

“I’m sorry. It’s my fault. I made some bad decisions, bad coaching. San Beda was really the great team this afternoon. We really lost to a better team,”ani Robinson.

Hindi umubra ang small-ball lineup ng Pirates partikular sa fourth period dahil sinamantal­a ito ng San Beda upang manalasa sa gitna sa pangunguna ni Donald Tankoua.

Bagama’t hindi sila lumubay sa pakikipags­abayan sa Red Lions, nabigo naman silang mapigil ang pagti -takeover ni Robert Bolick sa final stretch.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines