3 sugatan sa Yemen air strike
SANAA (AFP) – Duguan ang tatlong sibilyan sa air strike ng Saudi-led coalition sa rebel-held capital Sanaa ng Yemen nitong Biyernes, ayon sa mga saksi.
Idinaos ang strike sa isang residential area malapit sa ministry of defence building, na matagal nang pinupuntirya.
“I was sitting at home and heard the first strike hit the ministry of defence. Everyone was afraid. Minutes later, another strike hit my neighbour’s house,” ayon kay Mohammed Aatif, residente sa lugar.
“My entire house shook,” ani Aatif, na umalis sa lugar kasama ang kanyang pamilya.
Sinabi rin niya nawasak ang bahay ng kanyang kapitbahay, nag-iwan nang malaking butas, at marami ang napinsala nang dahil sa strike.
Sinabi ng mga saksi na maaari pang tumaas ang bilang ng mga sugatan sa insidente.