Balita

Pagbibigti ng mister, palaisipan

- Liezle Basa Iñigo

ALCALA, Pangasinan – Patay na nang datnan ng kanyang misis ang isang lalaki matapos siyang magbigti sa Barangay Canarvacan­an, Alcala, Pangasinan.

Dakong 7:30 ng gabi umano nitong Biyernes nang makitang wala nang buhay si Elvin Ubaldo, 36 anyos.

Napag-alaman na lumabas lang sandali ang misis ni Ubaldo para ibili siya ng sigarilyo subalit nang bumalik ang ginang ay nakabigti na siya.

Hindi pa tiyak kung ano ang sanhi ng pagpapakam­atay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines