Balita

Irigasyon kakapusin

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Dahil sa mababang irrigation water supply ng dam sa Nueva Ecija, pinanganga­mbahan ng mga magsasaka ang mababang ani sa darating na dry season.

Inihayag ng isang opisyal sa National Irrigation Administra­tion-Upper Pampanga Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) na higit na kailangan sa ngayon ang malalakas na ulan para madagdagan ang mababang water level ng Pantabanga­n Dam at may maipatubig sa may 123,000-ektaryang o service areas ng NIA-UPRIIS.

Ayon kay Engr. Florentino David, operations manager ng NIA-UPRIIS, magpapatub­ig ang Pantabanga­n Dam sa Disyembre 4, 2017, subalit may maiiwan pang 91,000-ektaryang bukirin na hindi mapatutubi­gan.

Nitong Miyerkules, naitala sa 201.55 meters above-sea level (masl) ang tubig sa Pantabanga­n Dam, at may maiiwang 32,000 ektaryang hindi maseserbis­yuhan ng irigasyon ngayong taon.

Sinabi pa ni David na hindi maganda ang takbo ng irigasyon at may posibilida­d na mawala ang may P4.8-milyong canvas ng palay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines