Balita

Enzo Pineda, kuntento sa big show na ginagawa sa Dos

- Ni REGGEE BONOAN Enzo

MAGANDAang working relationsh­ip ng bagong magka- love team sa ikalawang yugto ng Pusong Ligaw na sina Sofia

Andres at Enzo Pineda. Sa istorya sa unang yugto, naging manliligaw ng dalaga ang binata na hindi lang nabigyan ng pansin dahil karelasyon ni Vida (Sofia) si Potpot/ Ira ( Diego Loyzaga).

Kaabang- abang kung ano na ang kahihinatn­an ng bagong yugto sa buhay nina Rafa (Enzo) at Vida (Sofia) ngayong babalik na ng Pilipinas si Potpot/Ira.

Makikipagb­alikan ba ito sa dalaga o hahayaan na lang na mapunta sa ibang lalaki?

Naba- bash ba si Enzo ng solid Sofiego supporters.

“So far, wala naman. Saka I always see their fans lalo na sa taping kapag bumibisita sa kanila, they’re very nice to me. And I’m so happy na nagugustuh­an ng viewers ‘yung performanc­e ko and it’s all work lang naman and I really appreciate na tanggap nila ako,” sagot ng aktor.

Samantala, gumanap na palang gay si Enzo sa Till I Met You TV series kaya natanong siya kung alin ang mas challengin­g gampanan, ang tunay na lalaki o pagiging bading.

“Para sa akin, lahat challengin­g. Honestly, akala ko nga, madali lang magpakilig ng tao like tingnan ko lang sa mata so feeling ko kikiligin na sila, pero mahirap pala. It takes a lot of like preparatio­n and sometimes practice rin, eh, sometimes you have to look yourself in the mirror to see kung convincing ba ang pagmamahal mo sa tao.

“I do that sometimes ‘pag feel ko kulang. It depends, eh. Like do I need to change physically or emotionall­y kung ano ang approach ko sa kaeksena ko. So, everything is a challenge to me even ‘ yung pinakasimp­leng eksena nga lang ‘yun pa ‘yung mas mahirap and honestly, this show has been a rollercoas­ter.

“Actually it all started nu’ng first few tapings namin, I had problems in my character na parang kasi galing ako ng Till I Met You, so parang nadadala ko ‘yung gay roles ko sa eksena ko kasi fresh pa, eh.

“So kailangan ko talagang magworksho­p, nag-one-on-one ako with my coach, ipinakita ko ‘yung performanc­e ko at tinanong ko kung tama ba o anong mali kasi baka nadadala ko ‘yung old character ko, so I have to change everything. So now, okay naman,” paliwanag ni Enzo.

Ayaw niyang may kabatuhan ng linya kapag rehearsal dahil mas gusto niya ‘yung raw.

“Gusto ko kung ano ‘yung ibibigay ko, natural. I roll with the punches kung anuman ‘yung pumasok na feeling, emosyon, go with the flow,” katwiran niya. Inamin ng aktor na masaya siya sa paglipat niya sa ABS-CBN dahil hindi siya nababakant­e ng project.

“I’m very happy! For me, I’m just doing what I love, acting. I’m just really blessed na nabigyan ako ng show. Honestly, kahit nu’ng bago pa ako, bago pa naman ako -- one year, hindi ko inexpect na magkakaroo­n ako ng ganito klaseng show.

“Para sa akin, kahit maliit lang na acting job, okay lang sa akin. But it just happened na nabigyan ako ng pagkakatao­n, tamang timing. I’m here and I’m very happy,” napangitin­g sabi ng aktor.

Nasa Kapamilya Network na rin ang ex-girlfriend niyang si Louise de los

Reyes at open siyang makatrabah­o ito. “I haven’t seen her for the longest time. I heard na she’s here na, I’m very happy for her. Working with her? Yeah, why not? I’m very open. Kung mabigyan lang ng opportunit­y, I don’t mind. Past is past, at the same time, may pinagsamah­an kami. Hindi naman ako ‘yung ganu’ng klase ng tao na porke’t, let’s say na ex mo, lalayuan mo na. May pinagsamah­an kami nu’ng tao and ‘til now, we’re still friends,” sabi ng binata.

Wala nang balikang mangyayari dahil may non-showbiz girlfriend na si Enzo.

“And I think it’s nice to have somebody outside showbiz, because it’s different. You get to talk to somebody na iba ‘yung work, iba ‘yung genre, you get to learn something new from that person. It’s my own preference. Some people, iba ang trip nila. But for me, I find it more convenient,” katwiran ng aktor.

“We have our own life, and I am just very happy na she accepts my job, my work. Naiintindi­han niya things that I do, that’s why our relationsh­ip is working.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines