Vice, may hahantingin pag-uwi

Balita - - Pangunahing Pahina - --Nitz Miralles

NAGALIT si Vice Ganda sa isang walang pusong netizen na nag-tweet na sana raw ay si Jon Lucas na lang at hindi si Franco Hernandez ang namatay nang mabalita ang pagkalunod ng huli.

Hindi pinalampas ni Vice ang tweet at sumagot ng: “Gusto kitang makita sa personal. Gusto kong sabihin mo sa akin ‘yan ng harapan. Gusto kitang paglaanan ng oras. Wag mga kaibigan ko! Wag ngayon.”

Patuloy pa ni Vice, “Hintayin mong makabalik ako sa Pilipinas at ipapahanap kitang demonyo ka! Di mo alam kung gaano kalungkot ang pinagdadaanan namin ngayon. Sa gitna ng pagluluksa namin ngayon, ‘di ko papayagang may lumapastangan sa mga taong malapit sa kin. Napakawalanghiya mong hayop ka! Nasa Queenstown, New Zealand si Vice para sa kasal nina Erwan Heussaff at Anne Curtis-Heussaff nang maaksidente at mamatay sa pagkalunod si Franco.

Vice

Franco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.