95 sentimos dagdag sa gasolina, kerosene

Balita - - News - Bella Gamotea

Nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Martes, Nobyembre 14, ay nagtaas ito ng 95 sentimos sa kada litro ng gasolina at kerosene, habang 60 sentimos naman ang dagdag-presyo sa diesel.

Asahan na ang pagsunod ng Shell, Petron, Seaoil at iba pang kumpanya sa kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo, na ipinatupad ganap na 6:00 ng umaga ngayong araw.

Ang pagtaas ng presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ito ang ikaapat na bugso ng oil price hike na ipinatupad ng oil companies simula nitong Oktubre.

Nitong Nobyembre 7, nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng 90 sentimos sa kada litro ng gasolina, 75 sentimos sa kerosene, at 55 sentimos naman sa diesel.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.